A BILLION SHOWER of LIGHT
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

A BILLION SHOWER of LIGHT

Site para sa mga walang magawa sa buhay at sa mga mahilig magbasa ng mga pocketbook! MWAH!
 
HomeLatest imagesSearchRegisterLog in

 

 SWEET LOVE

Go down 
AuthorMessage
Neko-neko
Admin
Neko-neko


Posts : 32
Join date : 2010-01-08
Age : 29
Location : Cabanatuan City

SWEET LOVE Empty
PostSubject: SWEET LOVE   SWEET LOVE EmptyMon Jan 18, 2010 3:03 am

Title: Sweet Love

Part: 1 out of ?

Author: Love Flower

Genre: Romance

Pairing: Yannah and Yeoji

Sypnosis: Nasa boarding house nila si Yana. Nung araw na iyon dumating ang kaibigan nilang si Gianne galing sa Japan.


Comments: Wuuuu!!! First fic ko to!! Tol!!
______________________________________________________________________

“ Gianne, kelan ka ba ulit magbabakasyon sa japan.. para naman maipabili ko na sa’yo yung bagong labas na j-pop collection.” Nakangising tanong ni Yannah sa isa sa mga kabarkada niyang kagagaling lang sa japan.

Si Gianne Roxen ay isa sa mga kabarkada niyang mahilig magbakasyon sa japan, dahil na rin sa dito minsan ito nagtra-trabaho bilang isang graphic artist. Dito rin siya nakakapag-pabili ng kanyang kinahuhumalingang mga anime goods and accessories. Siya, si Gianne niya,Mishii, Sarah,Althea, Maevi, Cyrin Lei at Julien ay magkakabarkada mula college hanggang ngayon na nagtra-trabaho na sila. Nakatira silang lahat sa iisang boarding house at madali naman silang nagkasundo-sundo dahil pare-pareho silang mga abnormal at bugak, Kahit pa sabihing hindi sila magkakasing-edad

Binatukan siya ng kabarkada niyang si Mishii. “ Hay naku Yans! Kakauwi pa lang ni Gianne dito sa pilipinas pina-aalis mo na kagaad!”

“Aray ko naman, Mishii!” Angal niya “ Ang bigat-bigat naman ng kamay mo!”

Nagtawanan ang iba pa nilang mga kabarkada. Nakahiligan na nilang magbabarkada na mag-inisan at pagtrip-an ang isa’t isa tuwing silang lahat ay magkikita-kita. Lalo na kung magkaroon ng mga lalaking mali-link sa kanila, kasi sobra-sobra silang malalagay sa hot seat.

“Korek ka dyan sistah! You know naman na may bakal sa loob ng kanyang hands iyang sistalu natin na yan.” Maarteng sabi ni Julien.

Hinila ni Mishii ang buhok ni Julien. “ Alam mo bang ang sarap-sarap mong sabunutang Baklita ka!” mariin na wika nito.

“ YEEAAWWCH! Stop that! Sinisira mo ang aking gorgeous hair!” malanding angal ng bakla nilang kaibigan. “ For all I know inggit ka lang sa hair ko, dhay!”

Inirapan nito ang sinasabutan. “ Heh! Magtigil ka nga riyan kung ayaw mong talagang kalbohin kitang baklita ka.” Inambaan nito ang kaibigan na agad namang nanahimik.

“ Ishii, nagiging sadistic ka na naman kay Julien.” Sita naman ni Althea.

“ Oo nga naman Ishii, wag mo nang patulan ang mga hirit niyang baklita na yan… dadami lang ang mga wrinkles mo” singit ni Cyrin.

“ Speaking of wrinkles!.” Patiling ani ni Gianne. “May pasalubong ako sa inyong lahat!”

Napakunot ang noo nila sa sinabi nito. “ Ha? Ano naman ang konek nung wrinkles dun sa sinabi mo?” confused na tanong niya.

“ Wala lang. Trip.”

Napahagalpak sila ng tawa sa sinabi nito.

“ He-he-he..bugak pa rin talaga si Gianne..tsk akala ko ako lang ang bugak dito.” Banat ni Sarah saka sumimsim ng hawak na iced tea.

“ Gusto mo ikaw na lahat?..ikaw na maganda, ikaw na bugak, ikaw na yung siraulo..at ikaw na lang kaya ang mabuhay?” nakangising sagot Mishii. “ O asan na yung pasalubong namin Gianne?”

“ Bukas na lang pala.” Tumawa ito. “ Hindi pa ko nakakapag-ayos ng gamit. Nasa maleta ko pa rin lahat.”

Kababalik lang ng kabarkada nilang si Gianne galing sa bakasyon kuno nito sa japan, kaya naisipan nilang mag-party sa bahay nila. Lahat sila ay mga big time kuno ang trabaho. Sikat na Graphic Artist si Gianne, Nurse naman si Althea, Accountant sa isang banko naman si Cyrin, Modelo si Sarah, Romance Writer naman si Mishii, Photojournalist si Maevi, Manager naman si Julien, at siya naman ay may-ari ng isang bookstore na pamana ng ina sa kanya ng mamatay ito.

“ Nasaan nga pala si Maevi? Nasa field pa ba siya hanggang ngayon?” tanong ni Gianne.

Nasagot ang tanong nito ng mag-ring ang phone ng kaibigan nila at si Maevi ang tumawag. “ Hoy Bruha! Bakit wala ka dito ha?!”

“ Sorry.Sorry.. nasa Palawan ako ngayon, hanggang sa isang linggo.”

“ Ano naman ang ginagawa mo diyan sa Palawan?” sabad ni Ishii na kinuha ang phone kay Gianne.

“ Nagpapahangin kasama ang camera ko.”

“ Gaga!.. bakit camera mo ang kasama mo? Wala bang gwapo dyan?” singit ni Julien

“ Wala, pero impakto meron” sabay tawa.

Tumawa silang lahat. Ang impaktong tinutukoy ng kaibigan nila ay ang boss nitong gwapong lalaki na laging kagalit at kaaway ng Ate Maevi nila. Sweet! Mayron na naman kaming mapagtri trip-an!

“ Rape-in mo na yan Ate Maevi!” sigaw ni Althea

“ Heh! Tinawag mo pa akong ate immoral naman pinagagawa mo sa’kin!”

Sabay sabay nilang sinagot ito. “GO MAEVI! KAYA MO YAN AT NG POLLUTED MONG UTAK!”

“ Heh!Magsi-tigil kayo!” paasik nito na ikinatawa nila.

“ Hey! Sinong maysabi na pwede kang tumunganga sa oras ng trabaho!” narinig nilang sabi ng boss ni Maevi sa kabilang linya.

“ O sige girls, saka na lang ako uli tatawag. Andito na ang Impakto.” Paalam nito.

Sumigaw sila ng sabay-sabay. “ INGAT KA ATE!” pinutol na nito ang tawag.

“Ok. Party pipz! It’s time to PAARRTTEEII!!” yaya ni Julien na binuksan ang component at nagsimulang sumayaw.

Napapailing na tumayo na rin sila mula sa couch na kinauupuan para mag-sayaw na rin ng pumailang-lang ang tunog sa buong boarding house na pag-aari nilang magkakaibigan

______________________________________________________________________

Wuu!! ang haba ng nailagay ko. sowee sowee X3
Back to top Go down
https://alightshower.board-directory.net
Neko-neko
Admin
Neko-neko


Posts : 32
Join date : 2010-01-08
Age : 29
Location : Cabanatuan City

SWEET LOVE Empty
PostSubject: SWEET LOVE   SWEET LOVE EmptyMon Jan 18, 2010 3:05 am

Title: Sweet Love

Part: 2 out of ?

Author: Love Flower

Genre: Romance

Pairing: Yannah and Yeoji

Sypnosis : Isang guwapong fafa ang naligaw sa Bookstore na pag-aari ni Yana!

Comment: Wulah lang.. hahaha!!
________________________________________________________________________

NABULABOG si Yannah ng pumasok sa bookstore niya ang mga kaibigan niyang sina Mishii at Julien. Araw-araw pumupunta sa kanyang bookstore ang Mishii niya para tingnan kung nabibili ang mga pocketbook na isinusulat nito sa pen name na Ishiina Oni. Hindi niya alam kung bakit kasama nito si Julien ng araw na yun kasi minsan lang magkasama ang dalawa na ito.

“ Hi Sistaluh! Musta itech bookstore mo?” bati ni Julien sa kanya ng marating ng dalawa ang counter kung saan siya nandoon.

“ Halo! May bumili na ba nung PB ko?” tanong na bati naman ng Mishii niya.

“ Hi din.” Bati niya kay Julien bago bumaling kay Mishii. “Hello din Ate..meron naman nang lima na nabebenta ngayong araw.”

“Ay ganun?!” pumalatak ito. “ ang hina naman ng benta ng PB ko ngayong araw.” lumakad ito patungo sa pocketbook section ng bookstore.

“ Ay sistaluh! Pabili nga rin ako ng nung PB ni Sistah, tsaka rin CANDY magazine.” Sabi ni Julien habang tinititigan ang CANDY magazine na puno ng picture ng mga lalaki.

“ Naku, Julien!” Bumuntong hininga siya. “ Eto yung bagong labas na PB ni Ate Ishii.” Inabot niya rito ang pocketbook at Magazine na nakasupot.

“ How much itech?” kinuha nito ang supot na naglalaman ng pinamili.

“ 85..plus 40..equals 125..” pagkakalkula niya. “ 125 lang lahat ng iyan.”

“ Wala ba aketch discount ditech?” pangiwing sabi nito.
Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis. “Sorry, negosyo lang ito..walang kai-kaibigan dito.”

Disappointed ito habang kinuha ang pera sa wallet nito. “ O eto na.” inabot sa kanya nito ang isang 200 peso bill.

Kinuha niya iyon at inilagay sa loob ng cash register at saka inabot sa kaibigan ang sukli nito. Nagulat siya ng mapatili si Julien.

“ Ano ka ba bading?! Ilang decibels na ba iyang boses mo?! At bakit ka ba tumitili?!” nakangiwing tanong niya rito. Itinuro nito ang gawi ng pinto ng bookstore.

Napatanga siya ng makita ang isang napaka-gwapong lalaki na kakapasok pa lang ng bookstore. Mestizo ito, matangkad na parang anim na talampakan, matangos ang ilong, mapula at manipis ang labi at nakangiti ang mata nito kahit seryoso ang hilatsa ng mukha. Palapit sa kanila ang lalaki kaya tumingin siya kay Julien. Sobrang kinikilig ang bruha!

“Umm..miss” sabi ng gwapong lalaki ng makarating ito sa counter. Gwaveh ang ganda ng voice niya..super kakaloka dhay!

“ Y-yes, Sir? What can I do for you? May hinahanap po ba kayo?” magiliw na sagot niya.

“ Ano ka ba naman sistaluh! Ako ang hinahanap niya no!” malanding sabi ni Julien.

“ Ah Shaddup!” paasik niya kay Julien at saka bumaling uli sa lalaki. “ Sorry po Sir, ano po uli yung kailangan niyo?”

Nakangisi ito ng sinagot siya. “ Gusto ko lang itanong kung ano ang magandang libro na pwedeng i-regalo para sa batang nasa edad 6 to 7 years old?”

Napaisip siya ng sandal at iginiya itong sumunod sa kanya papunta sa children section ng bookstore. “ Sir, ito po yung mga librong pwede niyong i-regalo sa mga bata..” hinanap niya ang paborito niya sa mga yun. “ Sir may I recommend “Crybaby Betty” picture book po siya kaya madaling maiintindihan ng mga bata.”

“ Tungkol saan naman ang kwento niyang libro na yan?” tanong nito.

“ Tungkol po ito sa isang batang babae na lagi na lang umiiyak dahil laging wala ang mga magulang niya, malungkot siya kasi kahit pasko o birthday niya puro trabaho ang iniisip ng mga ito at hindi na siya naaasikaso.. malungkot na malungkot po yung bata iniisip niya na hindi na siya love ng mommy at daddy niya..pero dahil kasama naman niya ang kanyang lola at lolo naiibsan yung lungkot niya.. naintindihan rin niya sa huli na mahal siya ng magulang niya at pala rin sa kinabukasan niya ang pagtra-trabaho ng mga ito.” Paliwanag niya. “Ano, Sir? Kukuhanin niyo po ba?”

Nakatitig ito sa kanya kaya nagulat ito sa tanong niya. “Huh?” tila wala sa sariling sambit nito sa kanya.

“ Sabi ko po Sir, kung kukuhanin niyo ba itong libro ?”

Tumango ito. “ Ah.. oo kukuhanin ko yan.. tsaka pwede bang ikaw na rin ang pumili ng dalawa pa..” napahawak ito sa sariling batok. “ Wala kasi akong kaalam-alam sa mga bagay na iyan.” Ang cute-cute naman niya!!

“ Ah ok Sir.” Kinuha pa niya ang dalawa sa pinaka-paborito niya, ang “ White Christmas” at ang “Sleeping Beauty”.“ Sigurado po bang Eto lang po, Sir?”

“ Yes, that’s all” anito.

Ningitian niya ito at lumakad patungo sa counter, sinundan naman siya nito.

Kinausap siya ng bagong sulpot na si Mishii ng pumasok siya sa loob ng counter. “ O san ka galing, Yans?”

Ipina-purchase niya ang tatlong libro ng magpunta sa harap ng counter ang lalaki at itinukod ang kaliwang braso sa countertop at saka tumingin sa kanya, ngumiti lang siya rito. “Inasikaso ko lang yung customer ko.” Sagot niya kay Mishii.

Nakita niyang nangunot ang noo ng binata ng umangkla sa kanang braso nito si Julien. “Ay nandito ka pa pala fafanez! Akala itech ay nagfly-lalu ka na.”

“Hoy bruhang malandi! Lumayo ka nga sa customer ni Yannah!” hinaltak ni Mishii ang bakla nilang kaibigan palayo sa lalaki. “ Sorry dito sa bading na ito, mister.”

He smiled sheepishly. “ It’s ok… how much is the cost of it all?” baling nito sa kanya.

Ningitian niya ito at inabot ang nakasupot na mga biniling libro. “ 250 pesos po, Sir.”

Iniabot sa kanya nito ang isang 500 peso bill at kinuha ang pinamili. Kinuha niya iyon at saka sinuklian ito ng 250 pesos.

“ Thank you Sir! Come again.!” Malambing na sabi niya sa papalabas na binata.
Ngumiti ito sa kanya. “ Oh I will, thanks for this!” pahabol nito at saka lumabas ng bookstore. Ang cute cute niya! Ang sarap sarap tingnan ng mukha niya ! Nakakarelax ng hapong katawan!

Natauhan siya ng pisilin ng kaibigan niyang si Mishii ang kanyang pisngi. “ Anong ningingiti-ngiti mo dyan, Yans?’’

“ ang sakit naman nun ate Ishii.” Reklamo niya habang hawak ang pisngi.
Nakita niyang nakapamaywang ang bading na kaibigan sa harap niya. “ Bruha ka! Pinagnanasaan mo yung fafanez kanina hanoh?” arte nito.
Dinilaan niya ito sa saka halukipkip na humarap rito. “Bakit naiinggit ka ba? Edi pag-pantasyahan mo rin siya.”

“ Kawawa lang siya, hindi naman siya papansinin nun..ikaw yata ang type ng fafa na yun.” Hirit ng Ate Mishii nila. Huh?! Ako?! Imposible!

Pumalatak ang bading nilang kaibigan. “ Naunahan mo lang ako sistaluh! Pero in-fairness attracted sa’yo yung gwapito na yun.”

Nangunot ang noo niya. “ Bakit naman magiging ako ang type nun?”

“ Ano ka ba naman.. ang ganda ganda mo kaya!.. mabait ka, matalino at higit sa lahat isa kang dyosa!” paliwanag ng kaibigan niya.

“ Pero mas maganda aketch.. Malabo lang mata nun kay- OUCH!” napa-aray ito ng kurutin ni Mishii sa tagiliran. “ Ate naman! Magkakapasa ang maganda kong body!”
K
inurot uli nito ang tagiliran ng bakla. “ I don’t care. eh, eh.eh.eh.eh!. “

“ bonnga ka ‘te! Feeling 2Ne1. ay, ako kasi ‘te Wonder girls! Kasi I want nobody, nobody but him!”

“ Ah! Shut up!.”

“ Adik kayong dalawa!” aniya

Sabay na sumagot ito. “ Ikaw din kaya!”

“Heh! Lumayas kayong dalawa rito sa bookstore ko!” sigaw niya. “ Shoo! Magsi-uwi na kayong dalawa! Kulang lang kayo sa tulog!”

“Ikaw yun bakla!” sigaw ni Julien bago umalis ng bookstore niya
Whatever!


______________________________________________________________________

adik lang ako kaya ganito.. X3
Back to top Go down
https://alightshower.board-directory.net
Neko-neko
Admin
Neko-neko


Posts : 32
Join date : 2010-01-08
Age : 29
Location : Cabanatuan City

SWEET LOVE Empty
PostSubject: SWEET LOVE   SWEET LOVE EmptySat Jan 23, 2010 5:26 am

Title: Sweet Love

Part: 3 out of ?

Author: Love Flower

Genre: Romance

Pairing: Yannah and Yeoji

Sypnosis : Ang cute nilang pareho! Buti na lang at hindi niya anak yun! Humagikgik pa siya dahil sa naisip.

Comment: Wulah lang.. hahaha!!
_______________________________________________________________________

“ ATE CYRIN, bakit kailangan mo pa akong isama sa pagsha-shopping mo, kasama mo naman si Sarah.” Tanong ni Yannah sa Ate Cyrin niya.

Linggo iyon kaya sarado ang bookstore niya, dapat ngayon ay nakahilata lang siya sa kanyang malambot na kama at nananaginip ng mga sobrang gagandang mga bagay. Pero tinawagan siya ng kanyang Cyrin at nagpasamang mag-shopping sila., Ililibre daw siya nito. Ang hilig kasi sa libre! Ayan tuloy!

“ Hindi ko naman talaga siya inaya..” sagot nito. “ siya lang ang nagpilit na sumama.. wala na daw kasi maisusuot na damit ang kanyang dakilang kagandahan.”

“ Ahay! Cyrin naman!” angal ni Sarah. “ Di ka ba masaya na kasama mo ang napakagandang nilalang na tulad ko na mag-shopping?”

“ Oo na ikaw na pinakamaganda! Gusto mo ikaw na lang din ang mabuhay?” panggagaya nito sa dialogue ni Mishii na palagi nitong sinasabi sa kaibigan nila.

Tatawa-tawa lang siyang sumipsip ng iced coffee na hawak niya.

Bumaling sa kanya si Sarah, “ Pero in-fairness ang cute ng outfit mo ngayon bakla! lalo ka tuloy gumanda.” Pumalatak ito. “nahawa ka na sa pagka-fashionista ko.”

Pinalo ni Cyrin niya sa balikat si Sarah. “ oo na, sige na.” humarap ito sa kanya. “ ang cute mo nga ngayon, saka bagay na bagay sa’yo yang suot mo.”

Tiningnan niya ang suot na abstract designed off-shoulder na blouse at plaited na miniskirt. “talaga?.. ayos talaga ang japanese style..”

“ Sabi na nga ba at Japanese na naman yang style mo.” Nailing na sabi ni Cyrin.

Nag-peace sign siya sa dalawang kaibigan. “ siyempre ako pa.. pero cute ba talaga ako?”

Sabay nagthumbs-up ang dalawa. “ cute na cute”

Umangkla siya sa braso ng dalawa. “ kung ganun shopping na tayo.. libre niyo ko..mayaman naman kayo parehas, poor lang ako.” Ngumisi pa siya.

“Sure ako pa, mayaman yata ako.” Pagpapahangin ni Sarah.

Naglakad-lakad na sila sa loob ng Mall of Asia, doon nila naisipang magpunta para daw marami silang mapamiliang boutique shop. Ilang shop na ang napasukan nilang tatlo ng maisipang magsukat ng mga damit sa Department store. May nakita siyang Blue baby dress na hanggang tuhod niya at kaagad naman siyang nagtungo sa dressing room at sinukat iyon “Cy, Sarah what do you think?” tanong niya ng lumabas ng dressing room.

“Pretty.”

Naumid ang dila niya ng makita na hindi sila Cyrin at Sarah ang nasa harap niya. It was the guy she saw at her bookstore. Nakangiti ito habang nakatitig sa kanya, may kislap ng amusement sa mga mata ng binata.

“ Umm… sorry… akala ko mga kaibigan ko yung andito.” Nasabi niya ng makabawi sa gulat. Anak ng teteng! Nakakahiya naman yung ginawa ko!

“ Wala ka namang dapat ikahingi ng sorry.” Anito. “ You didn’t do anything wrong.”

“Sorry talaga.” Hingi pa rin ng paumanhin ni Yannah sa lalaki.

Ngumiti ito. “teka di ba ikaw yung babae sa bookstore?”

Tumango siya. “ Thank you nga pala sa kahapon. My niece loved it.”

“ No problem, ginawa ko lang naman ang trabaho ko.” Ningitian din niya ito.

Inilahad ng lalaki ang kamay nito. “ The name’s Yeoji Zantino De Vera, Yeoji for short..what’s yours?”

“ Yannah Sascha Silvestre.. ayos na ang Yannah.” Inabot niya ang kamay nito. Gwaveh ang lambot lambot ng kamay niya!

Hindi nito binitawan ang kamay niya at lalo pang-hinigpitan ang pagkakahawak. “Nagsha-shopping ka ba kasama ang mga kaibigan mo?”

“ Yup! Ikaw ba anong ginagawa mo rito?” tanong niya. Shet-ness ayaw niyang bitawan ang kamay ko!

“ Sinasamahan ko lang yung niece ko na mamili ng dress..” may tiningnan ito. “ speaking of my niece..there she is.”

May lumapit sa kanila na isang batang babae na ubod ng ganda na may kasamang matandang babae, na yaya yata nito. Sa tingin niya nasa anim hanggang pitong taong gulang ang bata at mukhang half-half ito.

“ Tito Yeoj, baket po magka-hold po yung hands niyo pong dalawa?” tinuro ng bata ang kamay nila. “Girlfriend niyo po ba yung cute na tita na yan?”

Nakita niyang namula ang binata. Ano daw?! Namula ito?! Dali-dali nitong binitawan ang kamay niya at saka bumaling sa bata. “ Sandra meet Tita Yannah.”

Ngumiti ang bata. “ Hello po, Tita cute.” Itinaas nito ang manyikang hawak para ipakita sa kanya. “ Tita, siya po ang doll ko si Tasha.”

Marahan na I-shinake niya ang kamay ng manyika. “Nice to meet you, Tasha.. magkasing-cute kayo ni Sandra.” Narinig niyang humagikgik ang bata.

“ Tenk yu po!”

“ Welcome po” ngumiti siya sa bata.

Ngumiti ang bata at itinuro ang matandang babaeng nakahawak sa isang kamay nito.

“Siya po si Lola Ising, Lola ang Kyut po ng girlfriend ni Tito, no!”

“Oo nga bagay sila ng tito mo Sandra.” Tumango ang bata.

“Ay, hindi niya po ako nobya.” Nakita niyang lumungkot ang mukha ng bata.

Yumukod ng kaunti ang matanda. “ Naku po Ma’am, Pagpasensyanhan niyo na itong alaga ko. Medyo makulit lang po talaga iyan.”

“ Okay nga po iyon, para po mas matuto siyang huwag mahiya sa ibang tao habang bata siya.” Nakangiting usal niya

“ Nice to meet you all po. “ Bumaling siya sa lalaki. “Oo nga pala mauna na ako.. magpapalit pa ako ng damit sa dressing room.” Paalam niya rito at saka bumaling sa bata. “babayrin Sandra, paalam rin po Lola Ising.”

Kumaway parehas ang mag-yaya sa kanya ningitian din siya ni Yeoji bago siya makapasok sa loob ng dressing room. Ang cute nilang pareho! Buti na lang at hindi niya anak yun! Humagikgik pa siya dahil sa naisip.

_____________________________________________________________________


Part 3 na X3 Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy
Back to top Go down
https://alightshower.board-directory.net
Neko-neko
Admin
Neko-neko


Posts : 32
Join date : 2010-01-08
Age : 29
Location : Cabanatuan City

SWEET LOVE Empty
PostSubject: SWEET LOVE   SWEET LOVE EmptySat Jan 23, 2010 5:34 am

Title: Sweet Love

Part: 4 out of ?

Author: Love Flower

Genre: Romance

Pairing: Yannah and Yeoji

Sypnosis : Aba’t may tinatago rin palang kalandian si Ate! Wagi!

Comment: Wulah lang.. hahaha!!
_______________________________________________________________________


SUMUBO si Yannah ng chocolate mousse na in-order niya kasama ng isang Flat White. Naisipan nilang tatlo nila Cyrin at Sarah na kumain muna pagkatapos mag-shopping ng mag-shopping. Nakita pala siya ng dalawa mula sa malayo ng mangyari yung encounter nila ni Yeoji.

“ Oi Yannah, sino yung gwapong lalaki na may batang kasama na kausap mo kanina?” curious na curious na tanong ni Sarah saka sumubo ng strawberry cake na in-order.

Humigop siya ng kanyang Flat White. “ Oh..that’s Yeoji De Vera po.”

“ Nililigawan ka ba nun?” banat naman ng Ate Cyrin niya. “kung nililigawan ka sagutin mo na, Dhay!”

Muntik na niyang maibuga ang iniinom. “ Si Ate naman o, ma-joke.” Aniya. “ Hindi niya nga ako nililigawan pano ko siya sasagutin?”

“ Pero gusto mo siya, di ba?” diretsahang hirit nito. “ At saka halata namang may gusto rin siya sa’yo.. the way he looks at you when his eyes sparkle.. pinahihiwatig lang nun na may gusto siya sa’yo.”

“ Oo gusto ko siya..” amin niya “ Pero pano mo namang nalaman na gusto rin niya ako?”

Pumalatak ito. “ Kumikislap nga ang mga mata niya na para bang inlove na inlove siya sa iyo.. kaya huwag ka ng mag-dalawang isip Go! Go! Go! Ka lang dhay!”

“O sige,kayong dalawa na lang ang nagkaintindihan.” Sabad ni Sarah.

Bumaling siya kay Sarah. “ Ay nag-drama si Prinsesa.” Nakangising sabi niya.

Inakbayan lang siya ng katabi. “Syempre I’m the princess kaya, dapat talagang mag-drama ako kung hindi ako makarelate sa pinag-uusapan hindi ba?”

“ G-guys… magtatago lang ako ha?..kapag may naghanap sa akin sabihin niyo na planetang Pluto ako.” Nagmamadaling sabi ng Ate Cyrin niya.

Nagtaka sila ni Sarah dahil bigla itong namutla at para bang biglang kinabahan, samantalang kanina ay nakikipag-asaran pa ito sa kanilang dalawa.

“ Ate hindi na planet ang Pluto ngayon” sabi niya.

Nagtago ito sa ilalim ng mesa nilang may mahabang table cloth.. “ Ah basta! Kahit saang planeta ayos lang.”

Nagkatinginan naman sila ni Sarah. “ Anong nangyari dun?” Tanong niya.

Nagkibit-balikat lang si Sarah.

Maya-maya pa ay nasagot ang tanong nila ng may isang napaka-gwapong lalaki ang lumapit sa kanilang dalawa ni Sarah.

“ Do you guys know Cyrin Lei Gavino?” tanong nito.

“Yes, we know her.. isa siya sa mga kabarkada naming praning na paranoid pa, bakit mo siya hinahanap?.” Si Sarah ang sumagot.

“Basta, Pwede bang malaman kung nasaan siya?”

Sabay silang napasagot sa tanong nito..

“ Nasa Mars” ani ni Sarah

“ Sa Earth po” banat naman niya.

Tumitig lang ang lalaki sa kanilang dalawa. Namayani ang ilang saglit na katahimikan sa pagitan nilang tatlo. “ Okay.”walang anumang sagot nito. Ha! Hindi man lang nagalit yung mama sa amin!

Sabay-sabay silang napatingin sa ilalim ng mesa ng may bumahing. “Cy, anong ginagawa mo dyan sa ilalim ng lamesa?” tanong ng lalaki ng tignan nito ang ilalim ng lamesa.

“ Naghuhukay ng Yamashita Treasure.” Sarkastikong sagot ni Cyrin ng lumabas ito ng lamesa.

Napabungisngis sila sa hitsura nito, magulong-magulo ang buhok ni Cyrin at may buha-buhangin pa ang damit.

“ Ate gusto mo lagyan kita ng lobster sa ulo at saka starfish sa noo para kumpleto ang drama mo?” ngingisi-ngising hirit ni Sarah.

Tinignan ito ng masama ni Cyrin. “ Gusto mo bang makatikim, Sarah?!” pagbabanta nito habang pinapagpag ang katawan nito.

“ Cy.. pinagtataguan mo ba ako?” napabaling sila sa gwapong lalaki. “ sobra ka bang desperadong pagtaguan ako at sa ilalim ng mesa mo pa naisipang magtago?”

Umingos lang ang kaibigan niya. Aba’t may tinatago rin palang kalandian si Ate! Wagi!

“Bakit naman kita pagtataguan, Mark?”

“Kung ganon you won’t mind na dalhin kita ngayon paalis dito”Bumaling sa kanila ang lalaking si Mark. “pwede ko bang mahiram sa inyo itong magulo niyong kaibigan?”

“Hindi pwede, di ba Yannah!” mariing sabad ni Cyrin “ May importante pa kaming gagawin.”

“ Sure, kahit ba hindi mo na ibalik ayos lang.” Nakangising sabi niya habang tinitignan siya ng masama ni Cyrin. “ hindi naman importate yung gagawin namin, kaya ok lang”

Nagsisigaw ito. “ No! hindi ako sasama sa kanya! Kidnapping ang tawag sa ginagawa mo!”

“Huwag mo siyang pansinin…papaliwanag na lang namin sa mga tao.” Nakangiting sabi ni Sarah

“Ok thanks.” Pagkasabi nun ay hinila nito ang kaibigan nila palayo.
May pahabol pa siyang isinigaw. “ Enjoy-enjoy lang kayo sa date ninyong dalawa!”



_____________________________________________________________________

WEEE!!! For you ate cyreen!haha lol! lol!
Back to top Go down
https://alightshower.board-directory.net
Neko-neko
Admin
Neko-neko


Posts : 32
Join date : 2010-01-08
Age : 29
Location : Cabanatuan City

SWEET LOVE Empty
PostSubject: Re: SWEET LOVE   SWEET LOVE EmptySat Jan 23, 2010 5:41 am

Title: Sweet Love

Part: 5 out of ?

Author: Love Flower

Genre: Romance

Pairing: Yannah and Yeoji

Sypnosis : Aw, Yeoji, daing ng puso niya. You’re too nice. Too sweet. Too caring. And too handsome. Huwag kang masyadong ganyan. Mahina pa ang puso ko. Baka…baka ma-in love ako sa iyo, sige ka.

Comment: Wulah lang.. hahaha!!

_______________________________________________________________________

NAPAHIKAB si Yannah habang nagbabasa sa may counter ng kanyang bookstore. Wala masyadong tao sa bookstore ng araw na iyon kaya napili niyang magbasa muna ng nobela ng Ate Mishii niya. Type niyang magbasa ng mga Romance Novel, lalo na yung mga gawa ng Ate niya.

Mahilig rin siya sa mga English novels at fairytales, kahit pa sabihing beinte-siete anyos na siya. Gustong-gusto kasi niya ang happy endings. Kahit hindi ganoon ang ikinahantungan ng relasyon nila ng ex-boyfriend niyang si Justin.

Katrabaho niya ang lalaki dati sa isang kompanya nung hindi pa siya ang nagma-manage ng bookstore. Apat na taon ding naging sila. At sobra siyang nasaktan ng mahuli itong nagtataksil. He was a real jerk. Katrabaho rin nila ang babaeng pinalit nito sa kanya. Nag-resign siya sa trabaho pagkatapos nilang maghiwalay. Buti na lang at iniwan nga sa kanya ng nanay niya ang bookstore.

Ganun lang ang ginagawa niya sa loob ng shop kapag konti lang o walang tao. Malaki-laki rin ang kita ng bookstore na niya, kasi dun bumibili ang mga estudyante ng isang Academy na malapit sa lugar nila. Haaayy!!Mahina lang talaga ang benta kapag bakasyon..

“ Good afternoon.” Napaangat siya ng tingin ng may bumati sa kanya.

Natigagal siya ng makita ang pamilyar na kagwapuhan ng mukha na yun, it was Yeoji. Nakapatong ang dalawang balikat nito sa counter habang nakangiti ito sa kanya. Shet-nezz! Nananaginip ba ako?! . Pumikit siya at dumilat ulit para makita kung andoon talaga ito sa harap niya. Totoo nga! He was there smiling so sweet!

Kumaway ito. “ Hi! Kumusta ka naman?” usal ni Yeoji.

“A-ayos lang naman..M-may kailangan ka ba? Nangangatal na tanong niya.

Nagpangalumbaba ang binata at tumitig sa mata niya. “ I just thought to pay you a visit.”

Kung pwede lang siyang malusaw ng titig nito ay kanina pa siya nalusaw sa mismong kinatatayuan niya. “ Um, d-did you know that s-staring is rude?”

Iniba nito ang direksyon ng tingin. “Oh! S-sorry..” tumingin uli ito sa mukha niya. “ Ang sarap lang kasing pagmasdan ng mukha mo..nakakarelax.” Ano daw?!

Naramdaman niyang namula ang mukha niya. “ S-sir naman..pumunta ba kayo dito para mambola?” mahinang tanong niya.

“ Hindi naman kita binobola.. I’m just stating a fact.” Tumingin ito ng diretso sa kanya habang nananatiling nakapangalumbaba pa rin.

“ Dyina-jamming niyo naman ako, Sir.” Nakangiting sabi niya.

Sumeryoso ang mukha nito “Nakita mo ba akong tumawa?” Oo nga naman no?

Sinuklay nito ang buhok gamit ang mga daliri. “ And call me Yeoji, ayokong tawagin mo akong Sir sa uulitin.”

“P-pero S-si-“ Pumalatak ito.” O-ok Sir Yeoji”

Ngumiti ulit ito. “Just Yeoji got it, Yannie.”

WWooohh!! Tinawag niya akong Yannie!! Dumadagundong ang kaba sa dibdib niya ng mga oras na iyon. Para bang gustong sumabog ng puso niya sa ganong ka-simpleng gesture. “Ok”

“ Good!” Umayos ito ng pagkakatayo. “ Nag-lunch ka na ba?”

Noon lang niya naalala na hindi pa pala siya nanananghalian ng araw na iyon dahil na rin sa sobrang occupied na utak niya. “Ay oo nga pala, hindi pa nga pala ako nagla-lunch!” bulalas niya.

“ Sabay na tayong mag-lunch.” May kinuha ito sa sahig na hindi naman niya napansin kanina dahil hindi naman niya nakitang pumasok ang binata sa loob.

“Here.” Itinaas nito ang isang supot ng KFC chicken bucket meal.

“ Dinala mo talaga rito iyan, Yeoji?” hindi makapaniwalang sabi niya.

Tumango ito. “Actually may nadaanan akong fastfood chain papunta rito. At naisip ko na baka hindi ka pa kako kumakain.” Sabi nito. “ Tamang-tama pala ang pagbili ko rito.”

Ngumiti siya. Hindi pa sila masyadong magkakilala pero sobrang bait at sweet nito sa kanya. Ang sarap sigurong maging boyfriend nito. Ang swerte naman ng magiging girlfriend niya, matitikman ang kasiyahan ng mundo.

Lumabas siya ng counter. “Sandali lang Yeoji, tatawagin ko lang yung Assistant taga-bantay ko.” Pinuntahan niya ang taga-bantay at isa sa mga staff niya na si elaine, para sabihin na may gagawin lang siya sandali. Pagkatapos magpaalam kay elaine ay binalikan niya si Yeoji.

“ Sa bahay na lang tayo kumain, malapit lang naman dito yung boarding house namin.” Yaya niya sa binatang prenteng-prente ang pagkakatayo.

“Sure.” Inalalayan siya nito sa braso paglabas nila sa bookstore.”Shall we?”

Tumango siya. Aw, Yeoji, daing ng puso niya. You’re too nice. Too sweet. Too caring. And too handsome. Huwag kang masyadong ganyan. Mahina pa ang puso ko. Baka…baka ma-in love ako sa iyo, sige ka.



_____________________________________________________________________

kung cno magrereact sa name nung guy na ex pangit! beh! tongue tongue
Back to top Go down
https://alightshower.board-directory.net
Neko-neko
Admin
Neko-neko


Posts : 32
Join date : 2010-01-08
Age : 29
Location : Cabanatuan City

SWEET LOVE Empty
PostSubject: SWEET LOVE   SWEET LOVE EmptySat Jan 23, 2010 5:52 am

Title: Sweet Love

Part: 6 out of ?

Author: Love Flower

Genre: Romance

Pairing: Yannah and Yeoji

Sypnosis : Ito ang pinakamasarap na halik, masarap sana kung napaghandaan man lang niya. Pero sobrang na-shock siya sa ginawa nito. Damn! Bakit naman ganun?

Comment: Wulah lang.. hahaha!!

_______________________________________________________________________

“YEOJI, Thank you dun sa libreng lunch ha?” nakangiting pasalamat ni Yannah. Katatapos lang nilang mag-lunch ni Yeoji sa boarding house nilang magbabarkada.

Magkatabi silang nakaupo sa couch na nakapuwesto sa sala ng bahay. Inaya niya kasi itong magkuwentuhan muna sila habang nagpapababa ng kanilang kinain, at pumayag naman ito.

“ It’s nothing.. nagbaka-sakali lang akong hindi ka pa kumakain..gusto kasi kitang makasabay mag-lunch kahit saan.” Ngumiti ito sa kanya. Uh-oh! That smile again!

“Ows? Kahit saan pa tayo mag-lunch?” ngumisi siya. “ Pano kung sa kalsada lang tayo nag-lunch? Ayos pa rin ba sa’yo yun?”

Tumawa ito at saka tumingin ng diretso sa kanya. “kahit sa Mars pa yun ayos lang sa’kin..” sumandal ito sa couch at saka lumingon sa kanya. “ basta ba ikaw ang kasama ko. Ok na ok sa’kin.”

“Sa sinasabi mo na yan para bang ipinahahatid mo na may gusto ka sa’kin ha?” biro niya.

Sumeryoso ito. “ Pano nga kung may gusto ako sa’yo? May masama ba dun?”

Ngumiti siya. “ Oo may masama kung may girlfriend ka o asawa.”

“ Wala ako ng both, kaya don’t worry.” Nakangiti na uli ito.

“ So single ka? Hindi ata kapani-paniwala yun ah.”

“ Bakit naman?”

Tinaas niya ang kanyang mga binti at inakap iyon. “ Sa ka-gwapuhan mo na yan wala kang gf? Imposible!”

Kumislap ang mga mata nito at ngumisi. “ Gwapo pala ako sa paningin..pero don’t worry wala talaga akong gf, kaya pwede kang main-love sa akin.” Hindi na kailangan sabihin yan in-love na in-love na ako sa’yo!\

“May tinatago ka palang kayabangan.” Tumawa siya at saka lalaong yumakap sa kanyang mga binti.

Umalis ito sa pagkakasandal sa couch at saka tumingin ng diretso sa mga mata niya. “ So hindi ako gwapo sa paningin mo?..” may tampo sa boses nito.

Binawi naman niya ang sinabi niya rito. “ Oo na gwapo ka na!”

Ngumiti uli ito at saka sumandal uli. “ What if I court you, hypothetically speaking, anong gagawin mo?”Napaismid siya. Bakit hypothetically lang?.

Ewan ko, hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko hanggang hindi pa nangyayari sa’kin… maiisip ko lang yun kapag andun na ako sa ganung sitwasyon.” Binaba niya ang mga binti at saka sumandal rin sa couch.

“Hhhhmmm..”

“Anong hhmm?”

“Hhhhmmm…”

“Ay! Ano nga kako yung hhhmmm na yun?”

“Wala”

“Anong wala?..may ibig sabihin yung hhmmm mo kanina, ayaw mo lang sabihin.” Sinadya niyang lagyan ng tampo ang boses.

Bumuntong-hininga ito. “ You really amuse me, at napapatawa mo pa ako.”

Bumangon siya at bumaling sa binatang komportableng-komportableng nakasandal. “ For your information hindi ako clown, Yeoji.”

“ Kung ganun ikaw na ang pinakamagandang clown...”his voice trailed off. “ Pero actually mas mukha kang goddess kaysa isang clown.” The side of his lips turned up.

“ Huwag ka ngang patawa, Yeoji, hindi ka naman kalbo.”

“Cute.”Tumawa ito ng malakas. “You look cute when you’re frustrated like that because you couldn’t catch my thoughts and actions .”

She bit her lower lip to keep herself from grinning. Pinapakilig talaga siya nito nang husto. She sat there beside him with her heart thumping like crazy.

“Nasaan na si Sandra?”

“ Nasa San Diego, California kasama ang mga parents niya.doon sila magbabakasyon ngayong summer”

“Hhhmm..” Namagitan ang katahimikan sa pagitan nila.

“S-so, ano nang gagawin natin?” aniya

“Wala” bumangon ito at kinuha ang throw pillow sa gilid niya at niyakap yon.
Ngiting aso lang ang ibinigay niya rito bago sumagot.“Oo nga ‘noh! Masarap nga namang gumawa ng wala.”

Nagulat sila ng mag-ring ang cellphone ng binata,

“ Hello?” sinagot nito ang tawag. “ Ah, Rathe, oo..ngayon ba yun?..o sige kita na lang tayo diyan, bye.” Pinatay nito ang fone.

Pinasok nito ang fone sa bulsa ng suot nito pants at saka bumaling sa kanya. “ My friend and my neighbor Rathe, may usapan nga pala kaming magkaka-village na lalaki.”

“Mambababae kayo?” tumawa ito.

“No silly, it’s a basketball game.” Pinisil nito ang ilong niya. “looks like I’ve got to go.”


Tumayo siya at iginiya ito palabas ng bahay. Tumigil sila sa harap ng kotse ng binata.

“ Thanks sa pagsalo mo sa akin ng lunch at sa pakikipagkuwentuhan sa akin … I really enjoyed your company.” Nakapamulsang sabi ni Yeoji at saka ngumiti.
Umiling siya. “ Ako nga ang dapat magpasalamat sa’yo kasi nilibre mo ako ng lunch.” Gumanti siya ng ngiti sa lalaki.

“ Sige aalis na ako.” Akma itong tatalikod ng biglang humarap uli sa kanya. “ Teka, parang may nakalimutan ako.”

Napakunot ang noo niya. “ A-ano nam-“ hindi niya naituloy ang sasabihin dahil hinalikan siya ng binata sa kanyang mga labi at saka pumasok sa kotse nito.

“ Bye! See you again!” paalam nito at saka humarurot paalis.

Naiwan lang siyang tulala na nakamasid lang sa umalis na binata. Hinalikan niya ako!!!

Pakiramdam niya ay parang may mga kabayong dumadagundong ang kanyang puso. Para siyang nakasakay sa roller coaster. Ito ang pinakamasarap na halik, masarap sana kung napaghandaan man lang niya. Pero sobrang na-shock siya sa ginawa nito. Damn! Bakit naman ganun?

Malakas pa rin ang tibok ng kanyang puso. Sa palagay niya may nararamdaman siya para sa lalaki, hindi na magbabago pa iyon. Unless magka-amnesia siya at makalimutan na ito na ang lalaking mahal. But even then, she knew her heart could still recognize the man she had loved. Kaya ngayon, kelangan tanggapin niya ito. Oo nga mahal ko na ang Yeoji na iyon.…

Hinayaan na lang niyang magwala ang kanyang puso para sa binata, kahit sabihing sandali pa lang silang magkasama. Hihintayin na lang niya ang pagkakataong masabi na rito ang kanyang nararamdaman nang hindi na umaasa pang mamahalin rin siya nito. Sa ngayon kasi hahayaan niya munang mangarap na mahal din siya nito.

“ Ay nabangenge si Yans sa halik nung gwapong lalaki Gianne!” narinig niyang sabi ni Sarah.

“ Mukha nga!” sagot ni Ate Gianne niya.

“ woohh!! Next level na kagad!” hirit naman ni Mishii

“ Ganda mo bakla!” banat ni Julien.

“ Sayang wala rito si Maevi at Cyrin!” ani ni Althea.

Patay na! Ako na naman ang mapagtritrip-an mamaya!


_____________________________________________________________________
Back to top Go down
https://alightshower.board-directory.net
Neko-neko
Admin
Neko-neko


Posts : 32
Join date : 2010-01-08
Age : 29
Location : Cabanatuan City

SWEET LOVE Empty
PostSubject: Re: SWEET LOVE   SWEET LOVE EmptySat Jan 23, 2010 5:59 am

Title: Sweet Love

Part: 7 out of ?

Author: Love Flower

Genre: Romance

Pairing: Yannah and Yeoji

Sypnosis : Sabi na nga ba ako lang ang magiging topic ng mga siraulo kong mga kaibigan!

Comment: Wulah lang.. hahaha!!

_______________________________________________________________________

“I can’t believe it!” OA na sabi ni Julien.

Magkakasama na naman silang magbabarkada kulang lang ang Ate Maevi at Ate Cyrin nila. Nasa loob sila ng kanilang kwarto , kung saan sama- sama silang natutulog. Ito kasi ang pinakamalaking kwarto sa bahay na sama-sama nilang pinag-ipunan.

“ Hoy! Baklitang malandi, tumahimik ka nga diyan!” saway ni Mishii. “ Huwag mong ambisyunin yung pag-aari na ng iba.”

“ Pero in-fairness Yannie ang tawag niya kay Yans..” singit ni Althea. “Level up kaagad.”

Humiga ang Ate Mishii niya sa kama nito.” Ang bilis niyo namang mag-level up nung lalaki na yun… ano nga pala pangalan niya?”

“ Yeoji De Vera po, te.” Sagot niya . Nakasalampak siya sa sahig ng kwarto habang nakayakap sa paborito niyang hotdog pillow.

Nasaksihan ng mga ito ang ginawang paghalik sa kanya ni Yeoji kanina bago ito umalis, narinig din ng mga ito yung pinag-usapan nila kanina sa sala.

Nagulat siya ng may sumabunot sa kanya ng mahina. “ Ang daya daya mo naman Yans! Ako ang pinakamaganda sa atin pero naunahan mo pa akong magkaroon ng fafa!” angal ni Sarah.

“ At di ba kakakilala niyo lang dalawa two days ago?..” dagdag nito habang hawak pa rin ang buhok niya.

Pabirong pinalo niya ito ng unan. “ Tigilan mo nga yang buhok ko, hindi gaganti sa’yo yan.” Binitawan nito ang buhok niya.

“Pero in-fairness mga ka-diyosa gwapo yung bagong fafa ni Yans.” Banat ni Gianne na katabi rin niyang nakasalampak sa sahig.

“ Anong gwapo lang?! he’s super duper juicylicious fafalicious!!” bulalas ni Julien.

“Bonggang bongga ka, Dhay!”

Namula siya ng maalala ang hitsura nito pagkatapos siyang halikan. Takte! Bakit ba kasi sobrang gwapo ng lalaki na yun?

“ Yans, natulala ka diyan?” untag ni Althea

Tumayo siya sa pagkakasalampak sa sahig at umupo sa kanyang sariling kama. “ W-wala”

“ Naku! Wala daw… pero bakit ka namumula?” pang-aasar ni Mishii na sumalampak sa kama nito

Tinakpan niya ang mukha gamit ang kanyang hawak na unan. “ Huwag na ako ang pag-usapan natin… Hindi pa ba inuuwi nung gwapong lalaki si Cyrin?” pag-iiba niya ng usapan.

“ Ang sabi ni Cyrin kanina nang tumawag siya nasa isang isla daw silang dalawa na pag-aari nung lalaki.” Pag-bibigay daan ni Gianne sa pakiusap niya.

“Ay! Baka na-rape na ni Cyrin yun!” hirit ni Sarah.

“Gwapo ba yung kumidnap kay Cy, mga sistaluh?” tanong ni Julien habang naglalagay ng face mask sa mukha.

“Oo, may sarili nga’ng isla.” Sagot ni Sarah.

“ Ma-datung pala ang fafaruh ni ‘te Cy! Ay Loved it! Ecklavoo niya ba iyon?” ani Julien.

“Mukha pa kamong Chinese, singkit kasi.” Sabi ni niya. “Super mayaman siguro, ang gara ng suot at mukhang modelo.”

Humiga siya sa kanyang malambot na kama. “ Yup… gusto ko ngang malaman kung saan nadampot ni ate yun para makadampot rin ako.”

Pumalatak si Althea. “May fafa ka na noh! Hayaan mo na lang yung ibang mga wala pa.”

“Tama!” sang-ayon ni Mishii.

“Korek ka diyan, sistah!” segunda ni Julien.

“Si Maevi rin ay nag-iisang kasama ang impakto daw at sobrang gwapo niyang boss sa isang liblib na lugar sa palawan sa mga oras na ito.” Singit ng Ate Gianne niya.

“ Gwapo na parang fafa ni Yans?” pagbabalik ni Sarah ng topic sa kanya.

“Oo naman! Akin na nga lang yun sis.” Sabi ni Julien.

Tumili si Julien ng kurutin ni Althea sa tagiliran. “Dhay huwag ka nang umasa! Baka lasunin ka ni Yans, o kaya sakalin ka habang natutulog ka.”

Bumungisngis ang iba nilang kaibigan. Sabi na nga ba ako lang ang magiging topic ng mga siraulo kong mga kaibigan! Napapalatak siya.

“sige sa inyo na! matutulog na lang ako!itulog niyo na lang din yan.” Nagtalukbong siya ng kumot. “Goodnight!”

Sabay-sabay naman itong sumagot. “ Nytez”

Nang magtalukbong siya ng unan ay napangiti siya. Ngayon lang niya naramdaman ang ganoong sensasyon sa isang lalaki. Dahil hindi niya iyon naramdaman sa tarantadong ex-boyfriend niya.

Bitter ka pa rin hanggang ngayon kasi pinagpalit ka niya sa isang mukhang pokpok kung magdamit! Sigaw ng munting tinig sa isip niya.

Napalabi siya. Eh, pakialam mo ba? Sa bitter ako! Ikaw ba naman na mukhang diyosa ang kagandahan ay ipagpalit sa isang babaeng mukhang pokpok sa kalsada, hindi ka kaya magalit!

Hay.. dhay! Hayaan mo na yung tarantadong iyon… may mas gwapo pa naman diyan… tulad ni fafa Yeoji.

Napangiti uli siya, Hhmm.. Oo nga naman ‘no!

She drifted to sleep with a smile on her lips and the memory of the greatest day she would ever dreamed of her entire life. Good night Yeoji….
Back to top Go down
https://alightshower.board-directory.net
Neko-neko
Admin
Neko-neko


Posts : 32
Join date : 2010-01-08
Age : 29
Location : Cabanatuan City

SWEET LOVE Empty
PostSubject: SWEET LOVE   SWEET LOVE EmptyTue Jan 26, 2010 4:24 am

Title: Sweet Love

Part: 8 out of ?

Author: Love Flower

Genre: Romance

Pairing: Yannah and Yeoji

Sypnosis : ang cute cute talaga ng mokong na ito!

Comment: Wulah lang.. hahaha!!

_______________________________________________________________________

"Yans!"

Sa sobrang gulat ni Yannah ay nahulog siya kama. She winced as she rubbed the temple of her head. Tumama kasi iyon sa sahig kaya tiyak niyang namumula pa rin ito.

"Ouwwie! Ano ka ba naman , ate Mishii!" Angal niya ng makatayo na mula sa pagkakasalampak sa sementadong sahig.

"Magbihis ka, magsuklay ka, Maghilamos ka at magtoothbrush ka!" nakapamaywang na utos nito.

"B-bakit??"

"Anong bakit? Nasa baba kaya ang pinakamamahal mong fafa gwapito." Napanganga siya sa narinig. Yeoji is downstairs?

"Kanina pa ba siya doon?" Nag-aatubili siya nagsuklay at pinusod ang mahaba at salasalabit na buhok saka pumasok sa banyo para maghilamos at magtoothbrush.

"Matagal ka pa ba diyan?" naghihikab na sabi nito.

“Hhhhmmm..”

“Anong hhmm?”

“Hhhhmmm…”

“Ay! Ano nga kako yung hhhmmm na yun?”

“Wala”

"Gusto mong sabunutan kita?! Ang lantod lantod mo talaga Yannah!"

"Hmmph!" nakakunot ang noong baling niya rito habang pinupunasan ang basa na mukha.

"Huwag mo kong ginaganyanan kakalbuhin talaga kita riyan." banta nito

Isang halakhak lang ang isinagot niya sa mas matandang kaibigan. She really like to have time with Gianne. Pareho kasi ang wavelenght ng utak nilang dalawa kaya super duper masaya ang nagiging usapan nila.

Nailing na lang ito sa topak niya ng umagang iyo.

"Lika na nga baka nagisa na ng buhay ang fafa gwapito mo." hinila nito ang kanang braso niya palabas ng kwarto.

May kanya kanyang ginagawa ang mga kaibigan nila ng maabutan nila. Sarah and Althea are playing a card game, si Mishii naman ay parang matandang lalaking nagbabasa ng newspaper habang nakaupo sa tumba-tumba at si Julien naman ay nakatabi kay Yeoji at titig na titig sa binata.

" Oh, Yans. hi!" nakangiting bati ni Yeoji sa kanya ng makita siya.

"Hi, ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya sa binatang tumayo sa pagkakaupo sa tabi ni Julien na ngayon ay nasa tabi na niya.

"I'm here to have breakfast with all of you."

"Wala kang cook?" aniya.

"Meron, pero balita ko masarap ka daw magluto kaya pumunta ko agad rito to taste it." anito.

"hind-" alam niyang nag-blush siya sa sinabi nito.

"Huwag nga kayong lovey dovey diyan.. bawal iyan sa umaga." saway ng "lolo" Mishii.

"Ano yan ate Mishii, pauso mo?" sngit na sabi ni Althea.

"May crush kasi iyang si Yeoji kaya pumunta rito." Nakangising pag-iiba ni Sarah sa usapan.

"Sush!" nakakunot ang noong sabi niya. " Huwag niyo siyang gambalain... lalasunin ko pagkain niyo eh." banta niya.

"Yes, mam!" sabay sabay pang sumaludo ang mga ito sa kanya at saka bumalik sa kanya kanyang ginagawa.

"Luto muna ko, magtiis ka muna sa kanila." nakangiting baling ko kay Yeoji na ngingiti ngiti lang. Ang cute cute talaga ng mokonG!

Pumasok siya sa kusina na may nakaplaster na ngiti sa mukha niya. He's a heaven sent to me. my angel Yeoji.


_____________________________________________________________________

wuu! ang ikli nito!
Back to top Go down
https://alightshower.board-directory.net
Neko-neko
Admin
Neko-neko


Posts : 32
Join date : 2010-01-08
Age : 29
Location : Cabanatuan City

SWEET LOVE Empty
PostSubject: sweet love   SWEET LOVE EmptyTue Jan 26, 2010 4:46 am

Title: Sweet Love

Part: 9 out of ?

Author: Love Flower

Genre: Romance

Pairing: Yannah and Yeoji

Sypnosis : Halos marindi siya sa sobrang lakas ng tibok ng kanyang sira-ulong puso. Aatakihin yata ako sa puso!!

Comment: Wulah lang.. hahaha!!

________________________________________________________________________

DI na alintana ni Yannah ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso habang katabi si Yeoji. Nakaupo silang magkakaibigan sa table sa kusina nila. Nakisabay itong kumain sa kanilang magkakaibigan, at sa tabi niya ito nakaupo.

Pagkalabas na pagkalabas niya ng kwarto kanina ay pinaulanan na sila ng tukso ng mga kaibigan niya. Pero nakatakas naman siya ng bantaan niyang di niya ipagluluto ang mga ito kahit kailan kapag hindi sila tinigilan. Siya kasi ang tagaluto sa kanilang mga magkakaibigan, dahil siya lang daw ang super sarap magluto.

“ Masarap ka palang magluto, Yannie.” Ani Yeoji saka sumubo ng hotdog.

Napakagat siya sa ibabang bahagi ng labi niya. “ Hindi naman.”

“ Pa-humble ka pa riyan, Yans” tukso ni Sarah. “Ako lang ang humble rito.”

“Oo na, sige ikaw na lahat.” Inirapan niya ito pati na rin ang baklang kaibigan na nakasiksik sa tabi ng binata. “ Julien, lumayo ka nga kay Yeoji, naaasiwa na yung tao o!”

“Why-nezz sistah? Ecklavoo mo ba itech?” malanding sagot nito na umangkla pa sa braso ng binata. Napangiwi naman si Yeoji sa ginawa ng kaibigan niya.

“Hoy Bading, bumitaw ka na at baka mamaya ma-dedo ka kay Yans.” Banta ni Gianne na sumubo rin ng hotdog na niluto niya.

Tumayo siya at pumasok sa may kusina upang mag-sandok ng kanin. Hindi na talaga magbabago ang mga kaibigan niya. Mga pakialamera pa rin sa lovelife ng ibang tao. Wala kasi silang lovelife!

“Hala ka Bakla! Lalasunin ka na ni Yans!” narinig niyang usal ni Althea.

Nagtawanan ang iba niyang mga kaibigan sa sinabi ni Althea. Nakakahiya naman sa kanya!

“ Girls, mag-behave nga kayo! Minsan naman umakto kayong parang normal, lagi na lang kayong abnormal.” Pabirong sabi niya pagbalik sa upuan niya. “ Kaya wala kayong lovelife, eh!”

“ Hoy, may lovelife kami!” Depensa ng mga ito.

Humigop ng kape si Ate Mishii niya. “ Maiba tayo ng usapan, lalaki..” bumaling ito kay Yeoji. “May balak ka bang ligawan si Yannah Sascha Silvestre, Oo o hindi?”

“Ate naman!” Saway niya rito.

Kinindatan siya nito.” Hayaan mo siyang magsalita Yans!”

Tumingin siya rito para makita kung ano ang reaksiyon nito sa tanong ng Ate Mishii niya. Nagulat siya ng makitang seryoso itong nakatitig sa kanya, tinitigan rin niya ito.

“Oo,” seryosong seryosong usal nito. Ha?! “Will you mind if I court you?”

Natigilan siya at ang iba niyang mga kaibigan sa sinabi nito. Halos marindi siya sa sobrang lakas ng tibok ng kanyang sira-ulong puso. Aatakihin yata ako sa puso!! Sa isip isip niya.

Tumayo si Mishii at lumapit sa binatang katabi niya. “ Mayron pa kaya kaming magagawa kung gusto mo si Yans.” Nakangiting tinapik nito sa balikat ang lalaki. At saka pumasok sa kusina dala ang pinagkainan nito.

“ May basbas ka na rin namin,” Nakangising sabi naman ng Ate Gianne niya habang nakathumbs-up ang katabi nitong si Althea. Naramdaman niyang namula siya.

Muli na namang napangiwi si Yeoji ng tumili si Julien. “ Ay! Luz Valdez ang charm ko!” bumitaw ito sa lalaki at bumaling sa kanya. “ Ang joray-joray mo talaga Yans!”

Napatakip sila ng tainga ng muli itong tumili dahil kinurot ni Mishii sa tagiliran. “ Vaklushi, samahan mo na lang akong mag-gym, nananaba na naman kasi ako.” Aya nito kay Julien.

“Gora aketch dyan ‘te! Madaming fafalicious hunks sa gym.” Ito na ang humila sa Ate Mishii nila palabas ng bahay.

Tumayo na rin ang tatlo pa niyang kaibigan at pinasok sa kusina ang pinagkainan. Lumabas rin naman ang mga ito.

“ Yeoji, my man, ikaw na munang bahala sa kaibigan namin.” Nakangising sabi ng Ate Gianne niya at saka lumabas ng bahay.

“Eskapo na rin ang beauty namin ni Sarah.” Paalam rin ni Althea at hinila palabas si Sarah na kumindat pa sa kanya, Sinadya kaming iwan ng mga bugak!

_____________________________________________________________________

wuuu!!! isa pa itong maikli!
Back to top Go down
https://alightshower.board-directory.net
Neko-neko
Admin
Neko-neko


Posts : 32
Join date : 2010-01-08
Age : 29
Location : Cabanatuan City

SWEET LOVE Empty
PostSubject: sweet love   SWEET LOVE EmptyTue Jan 26, 2010 4:54 am

Title: Sweet Love

Part: 10 out of ?

Author: Love Flower

Genre: Romance

Pairing: Yannah and Yeoji

Sypnosis :

Comment: Wulah lang.. hahaha!!

________________________________________________________________________

“ SO tayong dalawa lang dito.” Dumasog ito sa gawi niya, at ngayon ay magkadikit na ang mga braso nilang dalawa.

Inakbayan siya nito. Umisod siya palayo dahil naramdaman niya ang abnormal na pagtibok ng kanyang puso. Na ngayon ay tila nagiging normal na lang na pangyayari sa buhay niya. Hindi na niya lalabanan pa kung ano ang gusto ng puso niya. Kung saan masaya ang puso ko, happy na rin ako…

Akalain mo yon? Kaya pa pala ng puso niyang sumirku-sirko pagkatapos ng sandamukal na emosyong naranasan niya kanina. Ngunit sa pagkakataong iyon, wala na rin siyang magagawa kung kukuwestiyunin niya ang lahat ng nararamdaman niya. Kaya mula ngayon, hahayaan na lang niya ang puso niyang makaramdam ng lahat ng gusto nitong maramdaman.

He leaned back against his seat and grinned at her.

“Okay rin palang kakuwentuhan ang mga kaibigan mo paminsan-minsan, ano?” wika nito. ”Nakakarelax sa utak na laging nag-iisip.”

“Ngayon ka lang ba nakipag-usap nang walang patutunguhan ang usapan?”

“Kapag kasi nakikipag-usap ako sa iba, ang alam ko, may kwenta lahat ng sinasabi ko. Kaya nga ako isang business man no.”

“Business man ka?”

Tumango ito at ngumiti. “I own vast of resorts and restaurants here and abroad.”

“Hindi ka naman mayabang sa lagay na yan, ano?”

“ Well, I want everyone to know kaya may kwenta ang pagtratrabaho ko. Ano’ng masama roon hindi ba? Kaya nga share your blessings.

“Nakikinig ka ba naman sa sinasabi ng ibang tao?

“Minsan. Kapag interesante o may benefit sa akin o sa pamilya ko.”

Hhhmmm… itanong mo na yung gusto mong itanong! “ Y-yeoji…dun sa sinabi mo kanina na liligawan mo ako, seryoso ka ba dun?” naka-kagat labing usal niya.

“Oo, una palang kasi kitang nakita sa shop mo, gusto na kita…lalo na nang makita kitang ngumiti sa akin harap-harapan, narealize ko, I want to be beside you. At nasabi ko sa sarili ko, kapag nagkaroon ako ng chance na ligawan ka at mapalapit sa iyo eh, susunggaban ko na.”

“Hhmm…”

Sumeryoso ang mukha nito. “ At saka, hindi ako nanliligaw sa babae kung hindi naman ako seryoso sa kanya, I hate seeing a girl in hurt.”

So, seryoso nga itong ligawan siya! Anak naman ng teteng!

Tumayo siya at dinampot ang platong pinagkainan nilang dalawa. “ Ok, bahala ka.”

“ Hindi ka tatanggi?” tumayo na rin ito sa pagkakaupo at kinuha sa kanya ang mga plato.

“ Nakahalik ka na nga kahapon, tingin mo tatanggi pa ako.” Ngumiti siya. “ At saka gusto rin naman kita.”

“Sweet!” ginawaran siya nito ng halik sa labi niya at saka dali-daling pumasok sa kusina nila.

Hhhmm… in-fairness ang tamis ng labi niya. Napangiti na lang siya at sinundan ang binata sa loob ng kusina. Naabutan niya itong magsisimula nang mag-urong ng mga plato na nakalapag sa lababo, Hinila niya ito palayo dito.

“Ano sa tingin mo ang gagawin mo, Mister?” tanong niya.

Kinintalan uli siya nito ng halik. “Mag-uurong ng mga plato.”

“ Bakit ikaw ang mag-uurong? Ikaw ang bisita rito sa bahay ah.” Nakapamaywang na sabi niya. “At bakit halik ka ng halik di pa naman tayo ah.”

He scratched his head and smiled shyly. “ Hindi pa ba? Kasi sabi mo gusto mo rin ako.”

“Manligaw ka muna kahit gusto kita.”

“ Doon rin naman tayo tutuloy, hindi ba?” Oo nga naman, no?

“ O, sige pagbibigyan kita..” kinuha niya rito ang sponge na pang-urong at lumapit sa lababo. “pero hindi ikaw ang mag-uurong.”

Lumapit ito sa kanya at kinuha uli ang sponge. “Ako na. Ayokong mahirapan ang magiging girlfriend ko.”

“ Ang kulit mo.”

Sinubukan niyang kunin rito ang sponge pero hindi nito binitawan. “ Hahayaan mo akong mag-urong o paparusahan kita.” Pagbabanta nito.

Kumunot ang noo niya. “ Hindi ako natatakot sa parusa mo.” Matapang na banggit niya.

“Ganon? Hindi ka talaga natatakot sa magiging parusa ko?.”

“ Hindi ko papatulan iyang parusa mo,” aniya.

“Hmm. Paano ba yan? Gusto kong patulan ang parusa ko sa iyo.”

“And your point is?”

“This.”

Ngumisi ito at lumapit sa kanya. Tumitig ito sa kanya ng ilang saglit at ikinulong nito ang kanyang mukha sa mga kamay saka hinalikan ang mga labi niya.


______________________________________________________________________

kulitan portion ito!
Back to top Go down
https://alightshower.board-directory.net
Neko-neko
Admin
Neko-neko


Posts : 32
Join date : 2010-01-08
Age : 29
Location : Cabanatuan City

SWEET LOVE Empty
PostSubject: sweet love   SWEET LOVE EmptyTue Jan 26, 2010 5:13 am

Title: Sweet Love

Part: 11 out of ?

Author: Love Flower

Genre: Romance

Pairing: Yannah and Yeoji

Sypnosis :

Comment: Nitatamad aqng lagyan ng sypnosis eh XD

________________________________________________________________________


YANNAH was caught off guard. She didn’t see that kiss coming. At hindi niya alam na iyon ang parusa sa kanya ni Yeoji sa pakikipagtalo niya rito.

But it wasn’t a punishment after all. He was kissing her slowly and tenderly. Dahan-dahang ipinapadama nito sa kanya ang sensasyon habang sinisira nito ang katinuan niya. She should have said “no” or pushed him away. But she just let him kiss her. Na parang mas malaking kahangalan kung patitigilin niya ito.

It was her first real kiss, kahit kasi ang ex-boyfriend niya na si Justin ay hindi siya nahalikan sa labi. Pero kusang bumuka ang labi niya para tanggapin ang mga halik nito. His fingers sifted through her hair, massaging her scalp.

He deepened the kiss. She never thought that a kiss could arouse different emotions within her. Tuloy para na naman siyang nakasakay sa isang roller coaster, mas mabilis nga lang kaysa kahapon.

“ Yeoji,” usal niya sa pangalan nito nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Nagulat na lang siya nang makitang nakahawak siya sa leeg nito. His body was near hers, so near they were almost one.

“ Uhm… gusto mo pang makipagtalo sa akin?” nakangising tanong nito sa kanya.

“Huh? Makipagtalo?, “ Nakatulala lang siya rito. Kahit nga paghinga ay hindi na niya magawa.. She was in shock. Parang ayaw na ngang gumana ng isip niya. He kissed her. It was her freaking first real kiss. Damn!

Ni hindi man lang siya kumontra o nagalit nang halikan siya nito. She even opened her lips and to give him full access. She must have gone crazy this time.

“Okay lang sa akin. Kung gusto mo, magtalo pa tayo ng magta-“

“Stop!” Pinigilan ng daliri niya ang bibig nito. Ayaw na niyang magpumilit at ayaw na rin niyang makipagtalo rito. She knew how powerful he was. With a single kiss, he could make her shut her mouth. “M-magpapalit na ako ng damit.” That was the safest thing to do. Habang kaya pa niyang kontrolin ang sarili niya.

Naitakip niya ang palad sa mukha pagkatalikod. Gusto sana niyang bilisan ang paglalakad pero hindi kaya ng binti niya. Nauubos ang lakas. Ano’ng ginawa mo sa akin, Yeoji? Hinalikan mo lang ako, parang ‘di na ako ang nagpapagana sa isip ko.
Paano kaya mamaya kapag binalikan niya ito? Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin dito. O kung ano ang dapat gawin. O kung may mukha pa ba siyang ihaharap rito. Aangal-angal pa ako kanina dahil puro siya halik, tapos ng halikan niya ako, gusto ko naman. Malamang pinagtatawanan niya ako.

“ Yannie..” tawag nito.

Humarap siya at tinanggal ang nakatakip na palad sa mukha. “Bakit?”

“After mong magpalit ng damit hintayin mo ako sa may sala. Ha?” ngumiti pa ito.

“Ok.” Pagkatapos magsalita ay tinakbo niya ang kwarto nilang magbabakarda.


______________________________________________________________________

iksi uli tinatamad aq eh XD
Back to top Go down
https://alightshower.board-directory.net
Neko-neko
Admin
Neko-neko


Posts : 32
Join date : 2010-01-08
Age : 29
Location : Cabanatuan City

SWEET LOVE Empty
PostSubject: sweet love   SWEET LOVE EmptyTue Jan 26, 2010 5:20 am

Title: Sweet Love

Part: 12 out of ?

Author: Love Flower

Genre: Romance

Pairing: Yannah and Yeoji

Sypnosis :

Comment: Nitatamad aqng lagyan ng sypnosis eh XD

________________________________________________________________________

“ Wow! Ang ganda naman rito.” Paghangang sabi ni Yannah kay Yeoji. Kahapon lang ay inaya siya nitong ipasyal sa loob ng village kung saan nakatira ang binata.

“ Thank you.”

“ Isa ka sa mga gumawa rito?.” Tumango ito hinawakan nito ang isang kamay niya. “ Yeoji… ang galing mo.”

Ngumiti ito at patuloy silang naglakad. Nasabi nito sa kanya na isa itong businessman at minsan ay Landscaper o kaya architect. At may sarili rin itong kompanya at iba pang mga business na ginagawa nitong hobby.

Mag-iisang linggo na siyang nililigawan nito, at sa loob ng isang linggo na iyon ay napuno ng mga bulaklak, mga chocolates at mga stuffed toys ang Silver Lining Bookstore niya. Boyfriend na niya si Yeoji ngayon, kasi nung isang araw lang ay sinagot na niya ang binata.

“ Sobra naman ang paghanga mo sa village namin.” Sabi nito habang magkahawak ang kanilang mga kamay.

Naisipan nilang maglakad-lakad sa loob ng village pagkatapos nitong ipakita ang bahay sa kanya. Ngayon lang niya nalaman na may ganung kagandang lugar sa pilipinas. Dinala siya nito sa Tagaytay para raw ipakita sa kanya ang bahay nito, hindi niya alam na nandun ang village na tinitirhan ni Yeoji

Ang Clover Leaf Estate kung saan ito nakatira ay tirahan ng ga sikat na tao sa bansa, lalong lalo na ng mga mayaman at gwapong bachelors in the Philippines. It was located near taal Lake kaya marami ang gustong ditto manirahan sa village na ito.

Isa pa enggrande ang village kahit homey ang ambiance, ay super elegante itong tingnan. Maaya nga sila Ate na bumili ng bahay rito..yung parang sa boarding house namin, tiyak papayag yung mga iyon sa dami ba naman ng guwapo rito. he-he-he

Humanga rin siya sa bahay nito. May pagka-western ang bahay na may sarili pang maliit na waterfalls sa loob at may sarili ring guest room. Two-storey ang bahay at maganda ang ambiance na nararamdaman niya dito. Hindi ito pumayag na hindi muna siya ipasyal sa kabuuan ng Clover Leaf Estate.”

“ I know you will like it here in Clover Leaf Estate,” ani Yeoji at nilingon siya. “ It’s built for the homey ambiance that the people who lives here love.”

“ Ah, no wonder na homey ang lugar. Itinayo pala ito for that reason.”

“ Nagbabalak ka na bang bumili ng bahay rito sa Clover Leaf?.” Excited na tanong nito.

“Balak ko sanang ayain ang mga kaibigan ko at siyempre dahil ang ganda-ganda kaya ng village na ito!” bulalas niya. “Kung puwede lang na dito na ako forever ay hindi na ako aalis.”

“Well, magandang isipin iyan.. kung ako kasama mo rito forever.”

“ Yeoji-“

“Sshh.”

Hindi na siya nagsalita pa. Hinayaan na lang niya ito sa kung ano ang gusto nitong mangyari. Baka kasi mabulilyaso pa na naman ang magandang pagkakataon na iyon kapag nakipagtalo pa siya rito at ipilit ang mga gusto niyang malaman.
Kung ayaw nitong pag-usapan kung anu man iyon, ayos na rin. Tutal naman, naroon lamang ito sa tabi niya. Pwede na iyon.

“ Yeoji, nagtanan ka na? kelan pa?.”

Napalingon siya sa kung saan nagmula ang nagsalita. Tatlong lalaki ang nakita niyang nakangising papalapit sa kanila, may dala itong bola ng basketball. Ang gwapo rin nila!

“ Seth, Dominicc JD.”

Tumawa ang isa sa tatlong lalaki. “ kapag nga nakipagtanan nga ako, dito rin dadalhin.”

“Guys behave! Mahiya naman kayo kay Yannie.” Saway naman ni Yeoji sa mga kaibigan nito. “ Act more normally.”

Ngumiti siya. “Sanay na ako sa katulad nila..” tumingin siya sa nobyo. “ganyan din ang mga kaibigan ko. Remember?”

“Kahit na ba..” Usal nito. “ kelan ba kayo aaktong parang isang tunay na lalaki?.”
Sabay-sabay bumulalas ang mga ito. “Lalaki kami kung gumalaw, no!”

“Hi there! Aliseth Romania, Yeoji’s friend” pakilala ng isa sa mga lalaki ng bumaling ito sa kanya. “You must be Yeoji’s girl.”

“Hello rin, ako si Yannah Sascha Silvestre.”

“Wow! You’re so pretty. No wonder nawala rito si Yeoji ng ilang linggo. Siyanga pala, I’m James DeanVillarante. Ako ang pinakagwapo sa aming lahat.” Sabi ng lalaking nasa kanan.

“Modelo ka ba?” dagdag pa nito.

Umiling siya. “ May-ari lang ako ng isang bookstore, inaya na nga ako ng kaibigan ko dati. Pero ang sabi ko, hindi bagay sa akin ang pag-momodelo.”

“ Sayang! Ang ganda ganda mo pa naman.” Nakangiting komento nito.

“ JD, huwag mo nang pag-interesan at bola-bolahin iyang si Yannah at baka maupakan ka ni Yeoji ng wala sa oras.”

“ Okay lang iyon, Dominicc,” singit ng lalaking nagpakilala bilang Aliseth. “Mas masaya nga. Hindi ko pa kasi nakikitang maglabas ng sama ng loob si Yeoji.”

Nagtaas ito ng magkabilang kamay, na tanda ng pagsuko nito. “ What? Masama bang maka-appreciate ng magaganda? Yeoji, pare,huwag kang mag-alala, hindi lang ako marunong magpalagpas ng mga magagandang nilalang ng diyos,” napailing na lang ang kanyang nobyo. “Ang swerte mo, pare. Saan mo ba nakuha si Yannah?” hinawakan nito ang mga kamay niya.

“ Sa Venus.” Nakangising sagot ng binata. “ Kaya kung gusto mong makahanap ng kasingganda ni Yannie, magpunta na kayo sa Venus ngayon din SHOO!.” Binawi nito ang kanyang mga kamay kay JD. “ Sige, SHOO!SHOO!.” Ui selos ang irog ko!. Hi-hi-hi

“You just want us to leave you alone,” wika ni JD. “You’re mean, Yeoji. May kapatid pa ba siya?”

“Meron, pero….” padaskol na sagot ni Yeoji na siya na ngayong nakahawak sa kanyang mga kamay. “ Nag-iisa lang siya rito sa mundong earth. Doon sa Venus, marami. Kaya umalis na kayo para ‘di kayo maubusan.”

“ ang corny mo, pare.” Ani ng lalaking tinawag na Dominicc.

“ Inggit lang kayo.” Then he gave them a very proud smile. ”Walang ibang makikialam kay Yannie, pinagbabawalan ko kayong lumapit sa kanya. Ayokong makapitan ng germs ang kahit dulo ng daliri niya.” Ganun?

Bago pa man makahirit ang mga kaibigan nito ay hinila na siya ng binata kung saan. May sasabihin pa yata ang mga ito na hindi na niya narinig.

“Saan tayo pupunta?”

“Magdi-dinner sa club house.”

“Ha? Pero pano yung mga kaibigan mo?”

“ Hayaan mo sila.” Tuloy pa rin ito sa paglakad habang magkahawak ang kamay nila.

“Ok. ”

Basta ba ikaw ang aaliw sa akin, okay na okay lang sa akin!


______________________________________________________________________

may fic din po ang mga nasabing biyaya ng diyos. XP
Back to top Go down
https://alightshower.board-directory.net
Neko-neko
Admin
Neko-neko


Posts : 32
Join date : 2010-01-08
Age : 29
Location : Cabanatuan City

SWEET LOVE Empty
PostSubject: sweet love   SWEET LOVE EmptyWed Jan 27, 2010 8:12 pm

Title: Sweet Love

Part: 13 out of ?

Author: Love Flower

Genre: Romance

Pairing: Yannah and Yeoji

Sypnosis :

Comment: Nitatamad aqng lagyan ng sypnosis eh XD

__________________________________________________________________________

“YEOJI!”

Ang sigaw na iyon ang bumati kina Yannah at Yeoji pagpasok nila sa pinto ng isang restaurant sa loob clubhouse ng village. Isang babae ang sumalubong sa kanila.

“Yeoji.”

“Viola.” Hinila si Yannah ni Yeoji, marahil upang mas mapalapit pa siya rito. “ This is Viola, by the way. Siya ang manager ng restaurant na ito at kapatid ng isa sa mga kapitbahay din namin rito. Vio, this is Yannah.”

“ Ito ba yung babaeng sinasabi nina Rathe at Reggie na pinopormahan mo nung mga nakakaraang linggo?”

“Oo.” Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ng binata sa kanyang kamay. “ Nasaan na ang dalawang kumag na iyon?”

“ Present”

Siya man ay napalingon sa pinanggalingan ng mga sumagot. And she was greeted by probably the most handsome twins she had ever seen in her life. Nakangiti ang mga ito sa kanila, tila iniignora ang masasamang tingin na binibigay ni Yeoji.

“ Ang cute pala nila, ano?” aniya, kapagkuwan ay bigla na lang may humarang sa kanyang paningin. Hinarang na pala ni Yeoji ng katawan nito ang kanyang paningin sa dalawa.

“Come on, Yeoji. Walang ganyanan.”

“Yeah, konting sharing sharing naman diyan.”

“ Huwag mong tignan ang mga iyon.” Iginiya siya nito patungo kung saan. “mabubulag ang dalawa mong mata.”

“Ha?” Narinig niyang tumawa lang ang kambal, pati na ang ilang customers na naroon.

“ Kumain na lang tayo. Vio, where’s our reserved table?”

“Nandoon,” anito, saka itinuro ang direksiyon ng kambal. “ Sa katabing table nila.”

“Dito na lang kami.” Pinaupo siya ni Yeoji. “Masama ang tumatabi sa mga may sira ang ulo. Where’s Chance?”

“Nandoon din,” natatawang sagot ni Viola, sabay turo uli sa direksiyon ng kambal. “Kuya, dito na lang daw kakain sina Yeoji.”

Namaywang ang tinawag nitong Chance. “Dito kayo . That seat is already reserved for someone else.”

“Palit na lang kami.”

“Hindi pwede yang gusto mo, Yeoji! At saka hindi rin papayag si Zade. May balak na rin ata siyang magpropose ngayon sa girlfriend niyang si Lynne.” Usal ni Chance.

“ Sasabihin ko na lang kay Zade na palit na lang kami ng table, pagkadating nila rito ni Lyn-“

“Ayokong makipagpalit ng table”

Napaangat ang tingin niya sa nagsasalita. A guy was walking towards them, escorting a smiling woman beside him.The woman was very beautiful, elegante at mala-anghel ang hitsura.

“Sorry, Yeoji,” wika nito paglapit sa kanila. ”Pagtiyagaan n’yo na lang muna ang kambal na siraulong mga iyon. All of us here have experience being meddled with by them as well.” Siya naman ang binalingan ng lalaking may asul na mata. “Sorry, Miss-”

“Yannah Silvestre”aniya

“Miss Silvestre”

“Okay, we’ll just take it out.” Pinatayo siya nito at marahang hinila papunta sa counter.

“Bahala ka sa buhay mo, Yeoji.” Pakli ni Chance. Sabay abot sa kanila ng isang parang picnic basket.

“Talaga.” Sabi ng kanyang nobyo saka hinila siya palabas ng restaurant.
Back to top Go down
https://alightshower.board-directory.net
Neko-neko
Admin
Neko-neko


Posts : 32
Join date : 2010-01-08
Age : 29
Location : Cabanatuan City

SWEET LOVE Empty
PostSubject: SWEET LOVE   SWEET LOVE EmptyMon Feb 22, 2010 5:33 am

Title: Sweet Love

Part: 14 out of ?

Author: Love Flower

Genre: Romance

Pairing: Yannah and Yeoji

Sypnosis :

Comment: Xenxia sa tagal ng pag-post.. nalibang sa anime at manga XD
_____________________________________________________________________________

“GUSTO ko nang umuwi, Yannah. Hindi na ako makakatagal sa presensiya ng impaktong boss ko!” ani Ate Maevi ni Yannah na hindi maitatago ang depresyon sa boses.

Nakatayo siya sa verandah ng bahay ni Yeoji at nakatanaw sa garden sa ibaba nito. Pangalawang araw niya iyon sa loob ng village, at sa tingin niya ay wala pang balak ang boyfriend niya na ibalik siya sa Maynila.

“ Hay, ate… bakit ba galit na galit ka diyan sa boss mo na yan?” sabi niya.

Kasama na naman ng Ate Maevi niya ang boss nito sa trabaho sa isang isla naman ngayon sa Batangas. Dalawang araw lang nagtagal ang Ate Maevi niya sa maynila pagkagaling nito ng Palawan. At kahapon lang ay pinag-cover uli ito ng isang tribo kasama ang lalaki.

“ Sino ba naman ang hindi magagalit kung laging may nakasigaw at nakautos ng kung anu-ano sa’yo!” ngitngit nito.

“ Baka naman type ka lang ng boss mo?” biro niya.

Tumawa ito ng pagak. “ Hah! Ni wala nga yatang puso iyon, eh. Pano naman magkakagusto sa akin.”

“ Malay mo rin. Sabi nga ng iba “Anything can be possible as long as you believe the impossible”.” Humagikgik pa siya

“ Ewan ko sa iyo, Yannah Sascha Silvestre, palala ka ng palala.” Bumuntong hining ito. “ matanong ko lang, nasaan ka ba kahapon at bakit hindi ka man lang nagpakita sa akin?”

“ Sorry, ate… dinala kasi ako rito ni Yeoji sa tagatay kahapon kaya hindi ako nakapag-paalam sa iyo.”

“ At sino naman ang Yeoji na iyon? Nobyo mo?”

“ Opo, ate.” Hindi pa nga pala alam nito na may boyfriend na siya kasi magdadalawang linggo rin itong nawala.

She heard her gasped. “ Ang bruha! Bakit wala ka man lang nabanggit sa akin na napalitan mo na ang damuho mong ex-boyfriend!.”

“ Nakalimutan kong sabihin.”

“ Sa susunod na tawagan kita kailangan mong ikuwento sa akin ang tungkol sa kanya, sa ngayon babush muna at baka mahuli na naman ako ng impakto kong boss.”

“Bye, ate.” Pagkasabi nito ng “Bye” ay ibinaba na nito ang telepono. Sanay na silang lahat na ito ang unang nagbababa ng telepono, bilang isang photojournalist.

Minsan rin naman ay pinagsasabihan at pinagagalitan nila ang kaibigan nilang iyon. Dahil ang pagiging isang photojournalist ay isang delikadong trabaho, nakakatakot kapag naisip nilang nasa panganib ito.

“ Sino yung kausap mo?”

Nagulat siya ng biglang niyakap siya ni Yeoji sa kanyang likuran. Halos mahigit ang hiniga niya sa ginawa nito.

“ Kanina ka pa diyan?”

Sa halip na sumagot ay idinukdok lang nito ang mukha sa kanyang buhok at saka lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

“ Yeoji..”

“ Alam mo ba na mukha kang napakagandang diyosa na nagbabantay sa kanyang kaharian kapag pinagmamasdan kita diyan sa verandah?” ramdam niya ang init ng hininga nito sa kanyang tenga.

“ Oo, sinabi mo na yan dati.”

Umalis ito sa pagkakayakap sa likod niya at lumipat sa harap niya. Nakatitig ang makislap nitong mga mata sa kanyang mata. Hinila siya nito, upang maging dahilan ng pagkakadikit ng kanilang katawan. Hinawakan nito ang batok niya at inangkin ang mga labi niya. Pakiramdam niya ay umugong ang tainga niya sa sobrang pagkabigla. He leaned against her and their lips touched. The sensation his kisses evoked everytime he kiss her sent shivers down her spine.

She opened her lips and deepened the kiss. Naramdaman uli niya ang kakaibang kaligayahan na nararamdaman niya tuwing magkasama sila.

It was a mind-blowing kiss, enough to make her brain stop working. Pero nandoon ang lahat ng emosyon na nararamdaman nito. And even while he was kissing her, she felt he was trying to take care of her.

Their kiss was sacred. It was an expression of love. And Yeoji made her feel that way. He really made her feel important and loved.

Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito dahil hindi niya magawang salubungin ang tingin nito. Tahimik din ito habang hinahaplos ang buhok niya. “ I love you, Yannie.”

Tumango siya. “ I love you, too.”

“ M-mahal M-mo rin ako?” nagtatakang tanong nito.

“ Ano bang akala mo? Hindi ba boyfriend na nga kita? Siyempre mahal kita.. hindi naman ako pumapayag na maging girlfriend ng isang lalaking hindi ko mahal.” Ngumiti siya.

Kinintalan siya nito ng halik sa labi. “ Akala ko kasi gusto mo lang ako, at hindi mo pa ako mahal. Balak ko pa ngang pa-inlove-in ka habang andito tayo sa village.”

“ Madali lang ma-in love sa isang tulad mo, Yeoji.”

“Ow? Pwede ko bang malaman kung bakit?” she saw a glint of amusement in his eyes.

“ You’re too nice. Too sweet. Too caring. And too handsome. Masyado ka kasing ganun, mahina pa naman ako sa mga lalaking tulad mo. Kaya ayun I fell completely inlove with you.”

“ So, totoong mahal mo nga ako?” siya naman ang kumintal ng halik sa mga labi ng binata.

“ Akala ko nga gusto mo lang din ako…kasi yun ang sabi mo nung una kitang tanungin kung seryoso ka “ aniya.

“ Hindi lang kita basta gusto. I love you, ikaw lang ang tanging babae na pumukaw sa aking atensiyon. Ikaw lang din ang gumising sa natutulog kong puso.” Hinaplos nito ang pisngi niya.

___________________________________________________________________________

SHIT!!! it's crappy! crap?!! pangit na... Rolling Eyes confused Sleep
Back to top Go down
https://alightshower.board-directory.net
Sponsored content





SWEET LOVE Empty
PostSubject: Re: SWEET LOVE   SWEET LOVE Empty

Back to top Go down
 
SWEET LOVE
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» LOVE.COM / LOVELY COMPLEX

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
A BILLION SHOWER of LIGHT :: FORUM :: FICS-
Jump to: